Posted in education, Philippine Politics

AN OPEN LETTER TO GOVERNOR MANUEL MAMBA OF CAGAYAN

Dear Gov,

Kumusta ka? Sana nasa maayos kang lagay. Pero enough of pleasantries. Hindi lang naman iyan ang dahilan ko para maglaan ng oras sa pagsulat sa’yo, and although ang sulat na ito ay para sa’yo eh idadamay ko na rin yung radio anchor na kausap mo sa larawan na ‘yan. Tumawa lang kasi siya. Hindi siya gumawa ng hakbang para i-probe man lang kung gaano katotoo yung sinabi mong walang ginagawa ang mga guro mo.

By the way, world teacher’s day ngayon, Gov. Baka lang hindi mo alam. Baka lang hindi mo alam na ipinagdiriwang ang kadakilaan ng mga guro mong pinapalabas mo na nagrereklamo lang kahit wala namang ginagawa. Ipinagdiriwang ang kadakilaan ng mga guro mong nanglulugi kamo sa gobyerno.

Nilulugi nila ang gobyerno?

Grabe ka naman magsalita, Gov. Akala mo naman sapat ang ipinapasahod ng pamahalaan sa mga titser.

In all fairness, bukod sa larawang iyan na kasama ng liham ko, hinanap ko ang video ng interview mo dahil ayokong husgahan kita dahil lang sa mumunting digital artifact.

Kaso ganun talaga yung mensahe, eh.

Ang talas ng mga salitang binitawan mo. Mga salita iyon na maiintindihan sana namin kung nagpakita ka ng pruweba na talagang walang ginagawa ang mga guro. Wala kang ipinakita at naniniwala akong wala kang maipapakita. Naniniwala akong doble kayod ngayon ang mga gurong sasabak na sa Lunes kahit kulang ang suporta at kahit nangangapa pa sa sistema. Mind you, hindi ibig sabihin ng pangangapa sa sistema ay pagiging tamad o awtomatikong wala nang ginagawa. Nagsisikap ‘yang mga ‘yan.

May mga reklamo ‘yan mga ‘yan, pero huminto ba sila? Hindi.

The most that they could was to ask for an extension before opening the class. They had to ask for it because they simply needed more time to prepare.

Iyan ba ang walang ginagawa?

Sana bago ka nagsabi ng ganyan, inalam mo muna ang nararanasan ng mga guro. Totoo na maraming balitang lumalabas tungkol sa mga mag-aaral na nahihirapan sa ganitong set-up. Tama ‘yan. Ramdam namin silang lahat.

Pero hindi tayo doon titigil.

Tandaan na kung gaano man kahirap ang mga magulang at mga mag-aaral, ganoon din kahirap ang nararanasan ng mga alagad ng edukasyon. Ayoko nang isa-isahin dahil ayokong maging liham ito ng pagbibilangan. Ang akin lang, sana lahat ng bagay, lahat ng sektor ay nakikita mo.

Kamakailan lang, may privileged na senadorang parang hindi na natuto sa mga pambabatikos sa kanya dahil sa ilang past pronouncement niya at nagsabi ng hindi magandang komento tungkol sa mga magsasaka. Ngayon, ikaw naman, Gov.

At sa tuwing nakaririnig ako ng mga pananalitang mula sa lingkod-bayan na gaya ng inyo nung senadora, palagi kong tinatanong sa isip ko ito:

Ganito ba dapat ang mukha at boses ng naglilingkod sa bayan? Mukha ba ng walang simpatya ang kailangang ipakita? Boses ba ng kawalan ng malasakit ang kailangang iparinig?

Kung mabasa mo man ito at naising sagutin, sa tanong na ‘yan ako magbibigay ng lubos na atensyon.

Gov, sa panahong ito ng dilim at kawalan ng kasiguraduhan, may ilang napakahalagang bagay tayong dapat sana’y matutunang gawin para sa kapwa. Ang pagiging tao. Ang pagdama. Ang pakikipagkapwa-tao.

Ngayong panahon kung saan pinaglalayo tayo ng pandemya, mas kailangan nating tumugon at makipag-ugnayan lalo na sa lagay mo bilang gobernador ng malaking lalawigan.

Walang lugar sa panahong ito ang pangungundena sa kahit anong grupo kung ginagawa naman nila nang maayos ang trabaho nila.

Speaking of which, matanong lang kita. Gaano ka kasiguradong ginagawa mo nang maayos ang trabaho mo?

Yun lang, Gov. Mag-ingat. Maging malusog. Maging makatao.

Lubos na gumagalang,

Martin Kit Guzman
Tagagabay, Edukador, at Kaibigan ng maraming guro

May mga reklamo ‘yan mga ‘yan. Pero huminto ba sila? Hindi.

Posted in Psychology

Write what disturbs you.

“Write what disturbs you.”
“Isulat ang bagay na bumabagabag sa’yo.”

Kahapon pagkatapos ng online class, pinanood ko ang talumpati ni Alan Cayetano.

Habang pinapanood ko siya, ang daming pumapasok sa isip ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ang magiging progreso nitong sinusulat kong ito. Kasi ang term sharing na itinulak ng presidente na napagkasunduan ng mga representante higit 15 buwan na ang nakakaraan, ay mali to begin with. Babalikan ko ‘yan.

Bukod pa riyan, ang dami kong naramdaman. Natawa. Nainis. Pero pinakanangingibabaw ang pagkabagabag. Nabagabag ako nang sobra sa mga pinagsasabi niya. Nabagabag ako nang sobra sa mga naging aksyon ng ilang kongresista pagkatapos niyang magsalita. Saan sila kumukuha ng kapal ng mukha habang humaharap sa tao nang ganoon?

Aaminin ko, hindi ko ito nagustuhan. Hindi ko nagustuhan ang ginawa ni Alan. Alan na lang, kasi gaya niya na hindi gustong tawagin si Lord Velasco na Lord, ayaw ko rin siyang tawaging congressman o speaker. Tingin ko kasi, para lang iyon sa may dangal. May prinsipyo. May paninindigan. Hindi siya bagay sa ganid. Hindi siya bagay sa kapit-tuko sa kapangyarihan. Basically, hindi siya bagay kay Alan.

Nagsayang si Alan at ang mga maiingay niyang kasama ng oras. Sabi niya, ang una niyang naisip na gawin ay mag-Facebook Live. Sana nga ganun na lang ang ginawa niya. Siya na mismo ang nagsabi, maraming kailangang trabahuhin ang House lalo na ang budget pra sa 2021. Kung nag-Facebook Live na lang sana siya, may oras sanang nagamit para sa pagtalakay ng mahahalagang nakabinbin na issue o bill sa Kamara. Pero kung ako nga naman ay gahaman o ayaw pa talagang bumaba ng pwesto, sa House ako magsasalita kasama ng mga kaalyado ko. May magtatanggol agad sa akin. May sasalo agad sa akin.

Hindi ko nagustuhan ang paggamit niya ng platform para magsumbong as if that’s what all of us care about. Siyempre, sasabihin ng iba, lalo na ng mga bulag na tagapagtanggol ng pamahalaang ito, “Bakit mo pinanood?” Isang napakasimpleng rason. Una, dahil taga-Taguig ako at siya ang representante ko. Gusto kong malaman ang mga ginagawa niya sa Kongreso. Was I disappointed. Oh, totally.

Sabi ko, may babalikan ako. Si Digong. Yung desisyon niyang mag-term sharing itong dalawang Alan na ito. Tapos ngayon, through his ever loyal spokesperson, umiiwas na. Kesyo independent body raw ang House dahil nasa legislative part ito ng pamahalaan. Eh bakit ka nagbigay ng ganoong direksyon? Kung sana, sa simul pa lang, hindi ka na nakialam. Kung sana sa simula pa lang, kinikilala mo na ang pagiging independent ng Kamara. Well, hindi naman na rin nakakagulat. Ganyan naman diyan. Kapag magulo, idodostansya ang pangulo. Bawal madamay sa isyu. Pero kapag maganda ang reception ng tao, Duterte number 1!

So much with that.

Bakit ko nga ba isinulat ito?

In a couple of days, magiging ama na ako. Isang tanong ang palagi kong binubukong sa isip ko sa tuwing nakakakita ako ng karumihan sa lipunan.

Paano ko ipapaliwanag ang mga bagay na ito sa anak ko? Uulitin ko, nababagabag ako sa itinatakbo ng bayang ito. Bilang ama, bilang nilalang na may mahalagang papel na gagampanan sa lipunan, gusto kong palakihin ang anak ko nang nakakapag-isip nang kritikal. At kung mabagabag man siya sa ilang bagay na makikita niyang tunay na hindi katanggap-tanggap, alam kong napalaki ko siya nang maayos kapag inilabas niya iyon. Maaaring sa pagsulat o sa ibang paraan.

Palagi kong sinasabi na kapag nakakaunawa na ang anak ko, palagi kong babanggitin na hindi palaging masaya ang mundo, pero palagi namin siyang gagabayan para gumawa ng paraan upang mapaganda ang lugar na ito. Sa ngayon, itutuloy ko ang pagsulat sa mga bagay na bumabagabag sa akin.