Posted in Psychology

FACEBOOK ESTRANGEMENT: THE PSYCHOLOGY OF UNFRIENDING AND BLOCKING

Being in a relationship requires maturity of the mind, emotions, and behavior.

Does this apply in social networking like Facebook? Definitely. Yes, Facebook can bring you up, but sadly, it can also bring you down. The meltdown of a Facebook friendship almost always occurs in a non-mutually agreed-upon way. Meaning, most of the time it’s only the decision of the person who unfriended and/or blocked you. No conversation needed. Just press the unfriend/block button, and bam! It’s over. Imagine how painful it is to have your right to ask for reason and explain your side removed. How bad is that, humans? According to psychologists, unfriending someone on Facebook is called “Facebook estrangement”. This only means that by unfriending you, the person has officially severed social ties with you. Again, how bad is that, humans?

I compiled some psychological explanations from counselors, psychologists, and researchers who studied about and dealt with the phenomena. Here are some points to consider when unfriended and/or blocked by someone:

Don’t wrestle with the unfriending. It could be more acceptable and even possible that you may be more upset about being unfriended/blocked than about losing a friend. If you’re thinking too much and more about the unfriending than about the friend, this could only mean that the person wasn’t really all that close to you. If this point already satisfied you, then stop reading. Your concern has already been addressed. The person is not that important to you. Yeah, you’re welcome.

Look objectively at your Real and Virtual (Facebook) behavior. It could be the reason why you were unfriended. Ask yourself. Do you continually make unfiltered comments that could hurt someone? Do you gossip? Do you put a person down? In a study conducted by Christopher Sabona from University of Colorado Denver, people often unfriend co-workers for their actions in the real world rather than anything they post on Facebook.

Not applicable? Maybe, this one is. Are you guilty of sharing too much information like you post every thing about you including the number of times that you inhale oxygen in a day? I can’t blame them if they will unfriend you. Seriously.

Take the effort to know the cause of sudden severing of ties and if still possible, try to repair it. Self-explanatory. Difficult, though, and this may only be applicable to people who are still worthy of another chance of conversation and maybe, friendship.

Don’t be blinded by false hopes to avoid disappointment. Let the sequel and aftermath, and of course, taking a break, have their process be finished. If it’s meant to be, the relationship will resume in its own perfect time.

Never ever stalk the person who unfriended you. If this person is worth the chance, but you were unable to repair the severed relationship, don’t allow yourself to be more distressed by becoming a stalker. You’ll see this person’s posts, check-ins, and everything and this might only You will only re-cut the scars.

I was unfriended/blocked for several times since I joined Facebook, and I also have done the same to others. They have their reason and so have I. But on social network, no one tells you that you’re unfriended, but instead the person just presses the button and it’s over. No one never has to tell you in person their reason. They don’t even need your consent to do it to you.

Keep in mind, though, that a mature individual can cope up with this kind of situation as long as he/she keeps track of his/her own thoughts, emotions, and behavior — whether it be in real or virtual life.

Maturity is about how you see and understand things. It’s about how you consider others. It’s about how you communicate. It’s about how you react. It’s about the things that you gove importance to. It’s about the things that you entertain. It’s about how you represent yourself and others. 

Take nothing personally and you’ll feel more liberated in that way. Remember that it’s not about you all the time.

You can get through this, mature person.

image from:

Advertisements
Posted in Uncategorized

Ma, Para Sa’yo

Ito ang unang mother’s day na hindi ko makakasama ang aking ina. Pero masaya.

Naalala ko pa noong iminulat ako ng mundo sa pagdiriwang ng araw ng mga dakilang nanay. Sa pamamagitan iyon ng isa sa aming mga tito. Hindi ko maalala kung saan siya galing pero Linggo ng hapon iyon nang tumuloy siya sa aming bahay. Tinanong niya kaming magkapatid, “Binati na ba ninyo ang mama ninyo?” Hindi ko naintindihan ang kanyang tanong. “Bakit kaya? Para saan?” Tanong ko sa sarili habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kapatid kong si Olan (Oliver) at kay mama na tanda kong nagtitiklop ng aming mga damit. Walong taong gulang lang yata ako noon at anim naman ang kapatid kong si Olan. Wala pa kaming sense of full grasp sa maraming bagay, kabilang na ang kaalaman na may isang mahalagang araw pa pala si mama bukod sa birthday niya.

Siguro’y naramdaman niyang hindi namin maintindihang magkapatid ang biglaang tanong, sinabi na lang niya na batiin namin si mama dahil mother’s day daw. “Happy mother’s day, Ma,” magkasunod naming sinabi ni Olan kay mama kasama ng tig-isang yakap at kiss na binalot ng mga tanong at hiya. Ngumiti lang siya. Baka kasi alam niyang hindi pa namin talaga naunawaan ang halaga ng araw na iyon. Pero doon nagsimula ng simpleng kasanayan sa tuwing sasapit ang araw ng mga ulirang ina na tulad niya. Isang simpleng kasanayan na paulit-ulit namin ginagawa kay mama hanggang sa lumalim ang pagkaka-unawa namin sa halaga ng araw niyang iyon.

Bati, yakap, kiss. Labingsiyam na taon na naming ginagawa iyon ni Olan para kay mama, at ngayon, nakakasama na rin ang aming bunsong kapatid na si Princess.

Labingsiyam na taon. At ni minsan, wala siyang hiniling na regalo sa amin. Well, ganun naman talaga siya. Kahit nga birthday niya, hindi siya masyadong umiimik. Parang siya pa ang nahihiyang humingi ng kahit anong simpleng bagay mula sa amin. Pero sa isa sa mga mother’s day ang nakapagpa-unawa sa akin ng kung ano talaga ang hiling at gusto ni mama na makuha mula sa amin. Isang mother’s day, kamuntik ko nang malimutan ang espesyal na araw niya. Nasa high school na ako noon at mas tutok kung hindi sa aralin, sa mga kaibigan. Halos pagabi na noong nabati, nayakap, at na-kiss ko siya. “Akala ko nakalimutan mo na,” pabulong na sambit niya habang nanggigilid ang luha.

Isa lang pala ang taon-taong hiling niya. Iyon ay ang hindi namin malimutan ang nakagawian sa mahalagang araw. Napakasimple. Hindi mahirap ibigay. Simula noon, sa tuwing mother’s day, ang unang ginagawa ko pagkagising sa umaga ay ang hanapin siya, pagkatapos ay batiin, yakapin at i-kiss. Hinding-hindi ko malilimutan na may nanay akong isinakripisyo ang maraming bagay para lang maging mabubuti at mauunlad na tao ang kanyang mga anak. Hinding-hindi ko malilimutan ang araw niya at alam kong masaya na siya doon. Swerte ko. Swerte namin.

Ito ang unang mother’s day na hindi ko makakasama ang aking ina at mabigyan ng simpleng bati, yakap, at kiss. Pero masaya dahil sa kabila ng sitwasyon, naniniwala ako na magiliw niyang iniisip na hindi ko siya nakalimutan sa araw niya. Alam na niyang may post ako sa Facebook at Instagram kahit wala siyang account ni isa sa mga iyon. Alam ko na maligaya siya para sa akin. 

Naniniwala ako na bukod sa panalangin niya gabi-gabi para sa aking kaligtasan bago siya magpahinga, palagi niya ring binabanggit sa sarili na proud siya. Proud siya sa kung anong narating ng mga anak niya. Proud siyang pinaniniwalaan na nagbunga ang sakripisyo dahil naging mabuti at maunlad ang anak niya.

Maligayang araw ng iyong kadakilaan bilang ina, Ma. Miss kita. Miss ko ang tawa mo sa mga biro ko at higit sa lahat, miss ko ang iba’t-ibang paraan mo ng pagpaparamdam ng tunay na pagmamahal sa amin. Mahal na mahal ka namin ni Olan at Princess.

Hanggang sa susunod na bati, yakap, at kiss. 😘

Posted in Psychology

Binabati Kita!

Marahil ay sobrang huli na ako sa gagawin kong ito dahil hinintay ko pa ang araw ng pagtatapos ng aking mga mag-aaral sa kung saan ako naglilingkod. Pero binabati ko ang bawat isa na matagumpay na nagtapos ngayong taon.

Hindi biro ang bawat araw na iyong ipinasok sa paaralan. Hindi nagkaroon ng mga araw na magkakaparehas. Lahat ay magkaka-iba. Lahat ay may nakatakdang pagsubok at kuwento na kailangan mong pagdaanan at lampasan hanggang masabi sa sarili na, “Handa na ako sa bagong bukas.”

May sandaling masayang-masaya, may sandali ring iiyak ka na lang. Pero ano pa man ang mga naramdaman at naging reaksyon, alam kong masasabi mong pinatibay ka ng mga iyon at inihanda sa mas malalaki at mas nakapupukaw na pagsubok na tiyak natin parehas na kakayanin mo ring lampasan. Gano’n kabilib sa’yo ang iyong mga guro, propesor, at mga taong nakasaksi ng iyong paglago (ikaw dapat lalo).

Binabati kita. Bagamat nagtapos ka, sabihin sa iyong sarili na hindi ito ang wakas. Sa halip ay patuloy na banggitin sa sarili hanggang sa yakapin ang katotohanan na ito ay simula ng bagong landas na tatahakin hawak ang mga natutunan sa pagkukulay ng magandang kinabukasan.

Ngayon, itong daang nasa larawan muna ang paghandaan mong lakaran at lampasan nang maabot ang regalong pinakama-iibigan ng magulang — ang iyong diploma.

Muli, binabati kita.

Posted in Philippine Politics

An Open Letter to Senator Tito Sotto

Mahal kong Tito Sen,

Kumusta po kayo? Namamanhid pa rin po ba?

Binulaga ako kanina ng balitang may nasabi na naman po kayong ang hirap hanapan ng linaw. Nakakainis naman eh. Tuwang-tuwa pa naman po ako noong isang araw dahil sa pinausad ninyong mga senador ang Mental Health bill. Tapos, ganito?

Mabalik po ako sa bumulagang balita tungkol sa inyo. Hindi pa rin po talaga kayo nadala eh, ‘no? Hindi ko na sasabihin kung ano ang sinabi ninyo. Kalat na po dito eh. Pero aaminin ko, napakamot po ako ng ulo doon. Matindi ka dun, Mr. Senator ha.

Ilang oras na ang nagdaan simula noong pumutok ang balitang ‘yan. Ilang oras na rin ang dumaan dahil sa pagbabasa ko ng mga artikulo tungkol sa nangyari na ‘yan. Hindi ko pa rin po lubos maisip kung pinag-aralan po ba ninyo nang mabuti ang mga binitawan ninyo.

Pabiro man o hindi, pero sige na nga, ibibigay ko po ang hiling ninyo. Sabihin na nating biro lang talaga iyon. May problema po ako dun eh. Actually, malaki. Hindi mo ‘ko napa-“acheche” dun eh. Seryoso.

Wala naman po sigurong masama kung magsiyasat ang komite ninyo tungkol sa personal na buhay ng isang tao lalo na’t nagsisilbi ito sa gobyerno at nag-a-apply sa bayan. Kayo, bilang interviewer at kinatawan namin, ay nabigyan ng pribilehiyo na maging maingat sa pagpili ng maglilingkod. Sinasang-ayunan ko ‘yan. Sabi nga po ng ilan sa inyo, “A public servant’s life should be an open book to his people.”

Pero Tito Sen naman. Para biruin ang isang babaeng naghanda upang sumagot sa mga tanong ng may dunong at dangal na walang ibang nais kundi ang maipagpatuloy ang nasimulan na programa ng sangay niya, nakakabastos naman po yata. Uulitin ko. Sobrang nakakabastos.

Yung pag-plagiarize mo nga, napalampas na po ng ilan sa amin eh. Tapos, ito na naman. Ganyan po ba talaga ang graduate ng Wanbol University?

Eh kung ‘yong anak po kaya ninyo na marangal at nagsisikap na nagtatrabaho para buhayin nang maayos ang apo ninyo ang sabihan na “na-ano” tapos biglang kakambiyo ng, “Joke lang ‘yon ha. Apir tayo. Suportado kita.” Baka kung ano po ang magawa mo. May history ka pa naman po.

Ang tanong ko ay ito lang naman talaga — hanggang dito na lang po ba tayo, Tito Sen? Ganitong uri ng diskurso na lang po ba talaga ang kaya nating ipakita? Ang babaw. Ang bastos. Ang sama. At take note, bago ko makalimutan, sa isang hearing sa senado ninyo pa sinabi ito. Hindi sa pelikula, lalong hindi sa Bulagaan. Sinabi po ninyo ito sa harap ng mahigit pa sa isang libo’t isang sumubaybay sa loob at labas ng venue. Walang tuwa. Walang nakakatuwa.

Hindi ako galing sa uri ng pamilya na tulad ng sa hiniya po ninyo, pero may malaking numero akong kilala at karamihan sa kanila ay kaibigan pa. Masarap silang pakinggan. Masarap makinig sa kwento nila. Makinig ka rin minsan, Tito Sen. Hindi puro patawa lang. Marami kang matututunan sa kanila. Isama mo na rin po sa maiging makinig ‘yong mga napanood kong tumawa sa joke mo.

Hindi mo naman mapapansin ito dahil mukhang hindi naman makakarating ‘to sa’yo. Pero susubok pa rin ako. May pahuling salita lang po akong gustong iwan dito.

Nakakahiya kami. Oo, Kami. ‘Wag ka na, kasi matagal ka na po dapat nabigyan ng ganoong pang-uri eh. Kami talaga ang nakakahiya dito — kaming nagluklok sa’yo bilang isang mambabatas. Wag mo naman kaming hiyain. Magpakitang-gilas ka naman po.

PS

Nirerespeto ko po kayo. Pansin niyo naman sa pangongopo ko, hindi ba? Inihalal ka namin eh. Pero Tito Sen, ayusin mo naman. Aanuhin po kita diyan eh.

Lubos na gumagalang,

Martin Kit J. Guzman

Mamamayan, Botante, at Kaibigan ng ilang single moms