Posted in Psychology

Kanilang Kadakilaan: Araw-Araw Nating Ipagdiwang

image

Natanggap ko ‘to sa maagang pagdiriwang ng araw ng mga guro kanina. Mula ito sa ikatlong taon-pangkat C ng Colegio San Agustin, Makati. Ako kasi ang “co-adviser” nila. Nakakatuwa lang isipin na may mga batang naniniwala at nagsasabing pogi ako (Ang hindi nila alam, dinadaan ko lamang ito sa bihis at pabango). Simula kasi nung huminto ang nanay kong sabihan akong pogi, hindi na rin ako naniwala. Salamat sa inyo, mga minamahal kong mag-aaral, kahit nauuna niyong mapansin ang kapogian ko kaysa sa kakayanan kong maging tagapayo at tagapag-gabay para sa inyo at sa kinabukasan ninyo.

Pero maiba ako. Ok lang? Dami nang words e. Kasalanan ng pagpupumilit ko ‘tong ipasok ang pagkapogi ko para sa mga bata e. Pero pagbigyan niyo ako.

Una, gusto kong magpasalamat sa mga estudyanteng nagbibigay-pugay sa kanilang mga guro simula ngayon hanggang sa ikatlo ng Oktubre. Mabuhay kayo dahil nakikita ninyo ang sakripisyong ibinibigay ng inyong mga titser para lamang matuto at pumasa kayo. Totoo yan.

Ikalawa, eto mas seryoso na. Tandaan. Hindi natatapos ang araw ng mga guro kapag pumatak na ang ika-4 ng Oktubre. Ang araw ng mga edukador ar dapat ipinagdiriwang araw-araw. Ipagdiwang natin ang kanilang kadakilaan sa paghubog sa atin upang hindi maging mangmang at mapagtanto na tayo ay mga taong may tunay na pakiramdam. Pasalamatan natin sila.

Inuuna ko na lahat ng aking mga naging guro simula noong nasa day care center pa ako nag-aaral na nagturo sa akin kung paano magtasa ng lapis, magbasa ng abakada at kumilala ng mga hugis, hanggang sa mga guro ko sa elementarya ng nagturo ng basics at kung hindi dahil sa kanila, baka nabubully na ako ng iba, hanggang sa mga guro ko sa high school na nagturo sa akin na ang buhay ay nagiging kumplikado habanag dumadami ang nalalaman mo, hanggang sa mga guro ko sa kolehiyo na nagpamalas sa akin ng karanasang hindi ko malilimutan dahil sa kanila ko natutunan maging mahusay na tagapag-gabay,  hanggang sa mga propesor ko sa Gradweyt Iskul na nagturo kung paano manaliksik at maging mapangahas sa ngalan ng karunungan.

Panalo kayong lahat. Iminulat ninyo ako sa totoong mundo, mundo na nangangailangan ng kombinasyon ng masusing kaalaman at totohanang pakiramdam. Mabuhay kayo, mga ma’am at ser!

Salamat muli sa mga mag-aaral na nakikita ang aming hirap at sakripisyo. Mabuhay din kayo!

Advertisements
Posted in Sports

Pag-ibig at Panalo: True Love Waits – A Post from Mr. Nikko Ramos of Slam PH

I have seen this post from slamonlineph.com and I said that this describes every passionate fan’s love for Gilas Pilipinas. Please take a shot especially if you are a Gilas fan. You’ll love it. Thank you, Mr. Nikko Ramos.

Here it is:gilas

Puso. Puso. Puso.

Walang kasawa-sawang puso.

Ang problema, yung puso, muscle lang din yun. Parang yung bicep mong never lumaki. Parang yung abs mong never lumitaw. Hindi siya unlimited. Hindi siya never-ending. Nauubusan din, hinihingal, napipilay. Isipin mo nalang ilan inaatake sa puso sa isang araw. Isipin mo nalang gaano kayaman mga cardiologist na gumagamot ng pusong may sakit.

Sa totoo lang, sa buhay at sa basketball, ayaw man natin aminin, nakakapagod din pumuso ng pumuso.

Nung kalaban natin Croatia, tapos muntik na tayong manalo, ang saya. Di ko mapaliwanag. Daig pa yung sa limang posibleng laruan na libre sa cereal, nakuha mo yung pinaka-astig. Daig pa yung makapagpapicture ka kay Anne Curtis tapos hindi generic na tatayo lang siya sa tabi mo at ngingiti. Tipong wacky, naka-akbay siya, tapos siya nagselfie, tapos ni-like pa niya sa Instagram.

Daig pa yung naunang sabihin sayo nung mahal mo yung “I love you” for the first time kasi di mo masabi sa sobrang kaba. Tapos papa-cool ka ng mga ten seconds bago ka mag-I love you too. Mas masaya pa dun yung talo natin sa Croatia.

Kinabukasan, Greece naman. Tinambakan tayo. Yung kahawig ni Jon Hall ayaw tumigil kaka-kalabaw sa loob. Foul, tas counted. Paulit-ulit. Wala tayong magawa. White flag na dapat, bawi bukas. Pero ayaw nung mga players natin. Pumalag kay Coach Chot at humiling ng “one last push.” So nababa natin yung lamang, nagkainitan sa dulo, at pinakita ng Gilas na wala silang pakialam gaano ka pa kalaki, kahit kamukha mo pa yung mga goons na kalaban sa Taken, pag nanulak ka, papalag kami.

Ang saya ulit nun. May mga pumuna, may mga nega, pero ayos lang. Nagkakaintindihan naman tayo ng Gilas eh. You and me against the world of mga nagmamarunong na mokong. Parang kapag may nagtanong ano favorite niyo gawin mag-syota tapos sagot mo “Oh just watch TV. We’re homebodies eh.” Tapos aasim mukha nila. For the record, hindi ka kuripot, hindi ka tamad. Eh sa trip mong mag-cuddle at mag-marathon ng mga pelikulang “I can’t believe you haven’t seen that yet” eh. Ano pakialam nila?

Oo, hindi dapat nag-ala Chyna ng DX si LA. Sayang yung unsportsmanlike. Sayang yung free throws, nakatres pa pagtapos. Oo, hindi dapat napikon yung Gilas nung tumres pa yung Greece. Quotient eh, ganun daw talaga sa international. Ganun man, tatayo ka parin sa likod ng Gilas. Tama o mali? Hindi yun yung tanong. Ang iniisip mo lang, paano natin babarahin tong kalaban? Z-snap ba? Hairflip plus walkout? O isang malupit na “You can’t sit with us?”

Dalawang laro. Dalawang talo. Pero ayos lang. Masaya naman eh. Iniirapan ka man ng mga kaibigan niya, hinawakan parin niya kamay mo. Panalo man sila, lumaban naman tayo, dikit yung score. Ayos na yun.

Pero may mga pagkakataon na hindi na masaya. Hindi na pwedeng palampasin. Mahal mo. Oo sige, mahal. Pero kung hindi ka masaya, sabihin mo. Huwag yung tahimik ka lang para hindi awkward. Huwag yung hahayaan mo nalang sabay dasal na huwag na maulit.

Ako, personally, umabot na ako sa ganong point sa relasyon namin ng Gilas. Alam naman nating lahat na mahal ko siya. As in mahihiya si Popoy at Basha. Maiilang si Augustus at Hazel Grace. Yung pag-ibig ko sa Gilas, higit pa kaysa sa pag-ibig ni Carlos Agassi sa abs niya. That’s when you know it’s real. Pero matapos yung laro kalaban ang Argentina, aaminin ko, nasaktan ako. Hindi naman sa pinaasa niya ako. Wala namang pangakong hindi natupad. Pero ang akin lang, akala ko okay na lahat, pang-Disney na happily ever after na.

Hindi pala.

It’s official. I’m heartbroken.

Hindi na sapat yung padate-date lang. Hindi na sapat yung bahay-bahayan. I want the real thing. I want it all. Bahay, pamilya, kasal, panalo sa World Cup. Greedy ba ako? Siguro. Greedy na kung greedy. Selfish na kung selfish. Pero ‘pag mahal mo kasi, di ba ganun talaga?

Tapos napaisip ako. Ano bang nirereklamo ko? Hindi naman nagkukulang sa effort ah. Hindi naman ako sinusukuan ah. Higit sa lahat, para sa akin naman lahat ng pagsisikap na ginagawa niya ah. Sabi nga nila, true love waits. Hindi lang nila nabanggit na ang true love, nasisilat din ng walang kakwenta-kwentang flopping technical, no-call sa dulo, pikon na seven-footer at sayang na last possession na napituhan ng traveling, of all violations.

Hindi man kagabi yung panahon para maglakad sa aisle kasama Gilas papunta sa altar ng pagkapanalo, hindi man kagabi yung moment na tatakbo kayo papunta sa isa’t isa sa beach ng slo-mo, kailangan mong manalig na sa haba man ng prusisyon, mananalo at mananalo rin tayo.

Masakit, oo. Mabigat sa dibdib. Hindi yun metaphor. Literal chong na parang may nakatapak sa dibdib mo. Pero kasama yun sa proseso eh. Ito yung point na hindi na sapat ang moral victories. Pero di ba good sign yun? Di ba yun pruweba na gusto natin manalo kasi kaya natin manalo? Hindi yung tipong “Anak, kaya mo naman mag-top sa klase mo pag nag-aral ka talaga at tumigil sa kakabarkada” na sinasabi sayo ng erpat mo ah. Kasi yun, hindi man imposible, napakaliit naman ng pag-asa. “Tay, kahit anong aral ko pa niyan, hindi ako magto-top kasi LANGHIYA NAMAN NAKALIMUTAN MO NA BA GAANO KAHIRAP CALCULUS?”.

Iba to. Ito kaya talaga. Mataas pag-asa. Parang gusto mo makakilala ng babae sa Laboracay. Pero hindi ikaw ikaw. Ikaw si Daniel Matsunaga. Mataas. Ang. Pag-asa. Mo. Bro.

Talo man, hihintayin man ang matamis na oo ng pagkapanalo, hihintayin man ang right time for our paths to cross again, may mga dapat paring ikasaya. Parang yung mga jokes lang na kayo lang nakakagets. Parang yung laro ni Junemar na unti-unting humuhusay. Parang yung Pingris na hindi nila mabox-out kahit na ba hanggang kili-kili lang nila si Sakuragi. Parang yung RDO na di nila alam gagawin nila kasi awkward daw, sabay pull-up ng tres sa mukha mo. Ayan. Sino awkward ngayon.

Parang yung ano, ano nga ba ulit yun? Ah oo tama. Yung dalawang beses sila dinakdakan ni Gabe ng harap-harapan! Oo tama, yun! Yung sumabay pa si Scola tapos hindi pa siya nakakalanding, pinagsisisihan na niya yung ginawa niya. Tapos naulit pa. May sumabay pa ulit. Sa sobrang lupit, pati yung referee napanood nalang, nakalimutan pumito kasi may foul yun dapat sir. Ang saya nun, pati si Coach Yeng na katabi ko napangiti eh. Ako, well, nagwawala na ako at that point. May sinipa ata akong camera tripod.

Anyway, sa mga panahong ganito, na nanghihinayang tayo dahil we could’ve had it all, rolling in the deep, marapat lang na tandaan: There’s a right time for everything. There’s a right time for love. Hindi pwedeng ipilit basta pwede na. Hindi rin yun tatagal. Do it the right way. Matutunan na natin lahat ng dapat matutunan ngayon. Mauna na lahat ng pananabik, hinagpit at pagkatalo ngayon. Lalo lang tatamis yung panalo sa dulo. Lalo lang tatamis yung mukhang tangang titigan niyong parang high school kayo pagdating ng tamang panahon.

Sa bawat beses na maalala ko yung mga endgame na “atin na dapat”, tatandaan ko rin yung limang tres na tinira nung Jimmy Alapag na walang kakaba-kaba.

Kung bakit ba go under ng go under sa pick and roll yung bantay ni Jimmy, hinding hindi ko maiintindihan. Sige, wag niyo respetuhin. BANG! Sige isipin niyo chamba lang yun. YESSIR! Sige heat check lang, mintis na yung sunod niyan, sure diba? GETS IT TO GO! Sige sino ba naman yan, NBA player kayo, di kayo kaya sunugin ng maliit na to. RIGHT DOWN THE MIDDLE! Sige, ubos na yan. Wala nang ibubuga yan. Pagod na yung matanda. PUTANGINA PARE ISA PA! ALAPAAAAAAG! HAYOP KA JIMMY!!

I’m heartbroken, yes. Pero yung puso ko, gumagana parin. Ipa-packing tape ko dito, gagamitan ko ng stapler dun. Ultimo yung tigli-limang pisong paste na ginagamit namin dati nung grade 3 gagamitin ko kung kailangan, para lang tulungang tumibok pa. Kasi may kinross stitch dati yung lola ko, True Love Waits daw (pati Home Sweet Home, pero off-topic na yun).

May pagkakaintindihan kami ng Gilas, yun ang mahalaga. Walang sisihan. Alam niyang mahal ko siya. Alam kong mahal niya ko. Hindi lang ngayon yung time namin. Siguro bukas. Siguro next year. Ewan. Ang sigurado lang, dadating at dadating din yun. Kasi naniniwala ako. Nanghihina man, nasasaktan minsan, nagsasabi man ng masakit na salita in moments of weakness, naniniwala parin. Ng buong puso.

Nakakapagod ba? Oo. Pero para sayo, bakit hindi? Pagtatawanan lang natin to one day. Habang nakahiga, habang magkayakap, habang nanonood ng DVD ng pelikulang di ako makapaniwalang di mo alam.

Puso. Puso. Puso.

Walang kasawa-sawang puso.