Posted in Uncategorized

May Araw Ka (na) Rin, Aguinaldo

Ang daming nag-react noong ideklara ni Pangulong Duterte kanina na simula ngayon, tuwing ika-22 ng Marso, ituturing na ito bilang Emilio Aguinaldo Day. May mga natuwa lalo na sa Cavite, meron ding mga hindi ito nagustuhan.

Pero bakit nga ba? Bakit hati na naman tayo? Bakit may mga galit sa tinaguriang “unang pangulo raw” ng Pilipinas?

Aaminin ko, ang taas ng tingin ko kay Aguinaldo noong mag-aaral pa lamang ako sa elementarya. Wala ka naman din kasing maririnig sa mga turo ng mga naging guro ko noon kundi ang mga kontribusyon ni Aguinaldo para sa kasarinlan ng bansa.

Siya ang nagpagawa ng napakagandang watawat ng bansa na hanggang ngayon ay kinikilala pa rin natin bilang opisyal na bandila. May konting nabago sa disenyo, pero tadlay pa rin nito ang ganda at mga simbolismo.

Siya rin ang nanguna sa pag-utos na magkomisyon kina Jose Palma at Julian Felipe na isulat at gawan ng musika ang Lupang Hinirang na ngayon ay kinikilalang pambansang awit.

Siya raw ang inihalal bilang pangulo ng Pilipinas sa Tejeros convention na naganap mula ika-22 hanggang ika-25 ng Marso, 1897. Kung ‘yan ang magiging basehan, nasa tamang argumento ang pangulong Duterte na ideklara ito na maging araw ni Aguinaldo.

Siya rin ang inspirasyon ng mga mambabatas sa Malolos Convention noong 1898 upang maghalal ng mga karapatdapat na bumalangkas ng mga patakaran at kautusan upang masabi na tayo ay may kakayanang magpatakbo ng bansa.

At noong ika-12 ng Hunyo, 1898, iniwagayway ni Aguinaldo ang ating bandila, sagisag ng ating kalayaan mula sa mga mananakop at tanda ng pagiging isang bayang liberal at may soberanya.

Kaso may may kailangan pang pag-usapan bukod dito eh. Sa totoo lang, malaki siya at baka mas malaki pa siya sa mga magandang nagawa ni Aguinaldo.

Dito papasok yung isa pang pag-amin ko. Bumaba ang tingin ko kay Aguinaldo noong mabasa at mapanood ko ang mga tala ng kasaysayan gaya ng mga testamento ni Heneral Pantaleon García, na sinabing ipinag-utos ni pangulong Aguinaldo ang karumaldumal na pagpaslang sa pinuno ng sandatahang lakas ng Pilipinas — si Heneral Antonio Luna. Sa kanyang pagtanaw, sinabi niyang mismong si Aguinaldo ang kumausap sa kanya at nag-utos na paslangin si Luna. Bukod kay García ay marami pang nagpatunay ng kwentong ito. Isang nakakatawa pa ngang tala ay iyong napadungaw pa raw sa bintana ang nanay ni Emilio Aguinaldo na si Donya Trinidad Fami habang pinapaslang si Luna at nagsabing, “Ano, nagalaw pa ba ‘yan?”

Wala pa diyan ang nangyari kay Gregorio del Pilar at kina Manuel Bernal. Mahaba na namang usapin iyon, pero dahil kakapalabas lang ng Goyo, panoorin na lang ninyo.

Isa pa sa mga malalaking pangyayari sa kasaysayan at hindi halos pinag-uusapan ay ang paghatol ni pangulong Aguinaldo ng parusang kamatayan kay Andres Bonifacio, ang supremo ng katipunan at tinuturing na tunay na unang pangulo, at sa kapatid niyang si Procopio. Ang kaso raw nila, rebelyon. Tahasan daw nilang nilabag ang batas at nagtaksil sa bayan. Mahaba-habang usapin ito pero gusto ko na lang balikan ang paraan ng pagpatay sa magkapatid. Pinaakyat sila ng bundok sa Maragondon hanggang sa wala nang makakakita at makakarinig sa kanila, humingi man sila ng saklolo. Doon ay marahas na pinaslang ang dalawa.

Ano ang naging epekto ng pagpaslang kay Bonifacio? Malaki, at patuloy siyang minulto nito hanggang sa panahon ng bagong liderato sa ilalim ng Estados Unidos.

Doon nagsimulang lalong maging hati ang katipunan. Hindi kinilala nina Emilio Jacinto at Macario Sakay ang pagkapangulo ni Aguinaldo. May mga tala pa ngang nagtatag din ng sariling pamahalaan si Sakay.

Mismong si Apolinario Mabini, ang tagapayo ni Aguinaldo, ay may naisulat tungkol sa pagkamatay ni Bonifacio. Sinabi niyang isa itong mantsa sa liderato ni Aguinaldo. “Demoralized” daw ang mga naghimagsik lalo na ang mga taga-Maynila na nasa ilalim ng pamumuno ng supremo. Dahil doon ay inihinto nila ang suporta sa administrasyon ni Aguinaldo.

Tungkol sa pagmulto sa kanya ng kamatayan ni Bonifacio, isa iyon sa mga matinding putik na ibinato sa kanya ni Manuel Quezon noong nagtuos sila sa halalan. Silang dalawa ay magkalaban sa pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng Commonwealth. Ipinahukay ni Quezon ang mga buto na nasa Maragondon. Kay Bonifacio raw yon. Ang epekto, talo si Aguinaldo. Wagi si Quezon.

Isa pang masasabing bahid sa pangalan ni Aguinaldo ay ang diumano ay pagbaliktad niya noong panahon ng mga Hapon. Isa lang naman siya sa mga nanawagang huwag makipaglaban sa mga dayuhan dahil sila ay dapat daw na ituring na kaibigan at kakampi. Sabi nila, gusto niya raw kasing maging pangulo ng Pilipinas sa gobyernong hawak ng Hapon na kalaunan ay kay Jose P. Laurel napunta.

Ngayon, bakit ko isinulat ito? Ang totoo niyan, simple lang. Hindi ko isinulat ito para kontrahin ang pangulong Duterte sa desisyon niya. Kung sa mababaw na aspeto lang din, panalo tayong mga empleyado diyan lalo na kung Holiday ‘yan. Pero isa lang naman ang gusto kong mangyari sa pagsulat nito. Gusto ko lang na maintindihan ng bawat Pilipino na ang mga bayaning kinikilala natin ay tao rin. Sila ay may kapasidad na magkamali, madapa, at gumawa ng masama. Ngayon, sa kung anong tunay na kinalalagyan ni Aguinaldo, ang kasaysayan na lang ang huhusga sa kanya.

larawan mula sa Pinterest

Advertisements
Posted in Uncategorized

Sikolohiya ng Hindi Magandang Pagtatanong

“Bakit tumataba ka yata?”
“Buntis ka ba? Parang ang laki ng tiyan mo.”

“Kailan ka matatapos sa pag-aaral?”
“Kailan ka makakahanap ng trabaho?”

“Bakit wala pa kayong anak?”
“Kailan ka ba mag-aasawa?”
“Bakit wala ka pang gelpren/boypren?”

“Bakit kailangan namin pag-aralan ‘yan, ser?”
“Anong halaga niyan sa buhay namin, ma’am?”

Ilan lang ‘yan sa mga tanong na masakit pakinggan. Nakaka-inis nga rin kung minsan.

Mula man ito sa isang kapitbahay na minsan mo lang makadaupang palad, sa tiyahin na hindi ka naman palaging nakikita, sa kakilala na hindi ka naman talaga lubos na kilala, o mag-aaral na naghahanap ng saysay sa itinuturo sa kanya, masakit. ang. mga. itong. pakinggan.

Nitong nakaraan, may nabasa akong artikulo mula sa Psychology Today. Ang pamagat, “Why People Ask You Awkward and Annoying Questions”. Kahit sinong may katulad na karanasan ay daling madadala ng titulo.

Sabi ng nalathalang artikulo, may anim na dahilan daw kung bakit may mga taong nakakapagtanong ng tila hindi pinag-isipang katanungan. Sa madaling salita, insensitibo.

1. Maaari raw na hindi lang talaga nila naiintindihan na ang tanong nila ay nakakasakit na at hindi na maayos. Baka nga raw bunga ito ng ilang personality o mental disorder dahil kaugnay nito ang kakulangan ng isang taong ilagay ang sitwasyon niya sa sitwasyon ng iba at suriin kung anong mararamdaman niya.

2. Pagsuway sa nakasanayang mga pamantayan din daw ang maaaring dahilan. Kahit ilang milyong tao pa ang magsabing may mga tanong na hindi katanggap-tanggap na sambitin, ay ipipilit pa rin ito upang igiit na tama lang din iyon gaya ng mga nasa pamantayan.

3. Pwede rin na may galit at/o inggit ang taong iyon at ito ang paraan niya upang saktan ang taong kinaiinisan at/o kinaiinggitan niya. Masaya silang makapanakit. Para silang nakaganti nang hindi namamalayan ng kinagagalitan nila.

4. Isa rin sa posibleng dahilan ay naranasan na rin nilang masaktan dahil sa kagagawan ng iba, at nais nilang maintindihan at lubos na malaman kung ano ang pakiramdam kung sila naman ang gagawa ng bagay na nakapanakit sa kanila sa nakaraan.

5. Maaari rin namang gusto lang talaga ng taong tumulong dahil may simpatya siya at nakikita niya ang hirap na nararansan mo. Halimbawa, yung kapitbahay mong nakikita kang umuuwi nang hatinggabi at mag-isa ay palaging nag-aalala simula noong nalaman niyang na-holdap ka, kaya’t naisip niya na mas magiging ligtas ka kung magkakaroon ka ng boypren o asawa na sasamahan ka pauwi.

6. O baka daw talagang gusto lang nilang makausap at maging maganda ang samahan ninyo. Gaano man kapangit ang paraan ng pagtatanong nila, may mga tao pa ring gusto lang talagang mas kilalanin ka.

Ngayon, paano nga daw ba tayo dapat tumugon sa ganitong sitwasyon?

Hindi naman daw kailangang magpanggap na parang hindi ka nasaktan. Kailangan mo ring kilalanin ang iyong emosyon, ngunit sa kabilang banda ay maayos ka pa ring sasagot. Halimbawa, kapag tinanong ka kung bakit wala pa kayong anak ng asawa mo hanggang ngayon, sagutin mo lang ng, “Naku, hindi ko alam. Ang totoo niyan, isa ‘yan sa ayokong pinag-uusapan nang ganito. Ikaw, kumusta ka?”

Mahirap magbalik at tumugon nang maayos kung masakit ang naibato, ngunit ang bawat pagbitaw ng salita na may kaakibat na kabutihan daw ang tumutulong sa ating ngitian ang mga ito at maibalanse ang ating nararamdaman.

mula sa: https://www.psychologytoday.com/us/blog/the-couch/201311/why-people-ask-you-awkward-and-annoying-questions

Posted in Uncategorized

Remembering the Past: An Aid in Welcoming the Future

“Con el recuerdo del pasado en el porvenir.” “I enter the future remembering the past.”

It has been 120 years since the pride of the Malay race confronted us, opening our eyes to the social cancer the Philippines has been suffering from.

In an era when our people were kept silent, Dr. Jose Rizal had the courage to expose a serious illness the Philippines was suffering from – an illness caused by oppression and lack of education. His audacity eventually awakened the people’s nationalism and spark a burning flame among our countrymen.

Our ancestors fought a good fight, they said. The Philippines achieved the liberty that its people wanted, they added, but I couldn’t be satisfied. I couldn’t enjoy the freedom that I’m supposed to appreciate, knowing that the social cancer that existed during Rizal’s time has never left.

Time has passed and this disease continues to destroy our motherland. The cancer cells in the form of corruption, crab mentality, selfishness, and absence of unity among our people have kept on growing. Little by little, killing our beloved motherland. Sometimes, I think to myself that the cancer is a curse that Dr. Rizal predicted to exist forever.

What have we become as a nation? We say that change is coming, but what can we risk to achieve the change that we dream of? It’s easy to declare our affection for our mother land, but are we ready to imbibe the same kind of love that Rizal has offered our country? Do we, from time to time, re-examine our traits and values as citizens of the Philippines?

Rizal’s writings challenge us to effect change in our society. He was the first to have the courage of talking about the country’s concerns publicly.

Today, I am challenging you to make Dr. Rizal irrelevant. Yes! Make him irrelevant. Make him irrelevant by killing the cancer that has been the country’s problems since his time. It is what he has been wanting for so long. He needs us to end the problem!

The social issues Dr. Rizal exposed have yet to be fully removed, but if we work together, we can rebuild and change our nation! Let’s take his heroism to brand-new heights and work towards curing the cancer plaguing our nation.

Instead of pulling each other down and striving for superiority, let’s lift each other up and attempt for everyone’s success. For we all know, everyone’s success is our country’s triumph!

We must support our government but remain vigilant on its manner of leading us. We cannot let oppression and corruption happen. Complaining never solved our country’s issues. We must act and work towards our country’s healing.

My dear friends, this is the meaning of Rizal’s message: “Con el recuerdo del pasado en el porvenir.” “I enter the future remembering the past.” We need to read him, and not just read about him. Our recollection of the past will aid us in welcoming the future.

Dr. Rizal believed that the country’s redemption presumes virtue, and virtue presumes sacrifice, and sacrifice presumes love. May his philosophy on patriotism be an inspiration as we take the necessary steps and actions toward change and positive redemption with virtues, sacrifices, and love — all for our country.

As we move forward together, let us kill the social cancer and end this curse that has haunted us for decades! Let‘s unite and show the world that we are capable if we are cohesive.

Time and again, history has proven that as one nation, our goals can be achieved… together.

Posted in Psychology

FACEBOOK ESTRANGEMENT: THE PSYCHOLOGY OF UNFRIENDING AND BLOCKING

Being in a relationship requires maturity of the mind, emotions, and behavior.

Does this apply in social networking like Facebook? Definitely. Yes, Facebook can bring you up, but sadly, it can also bring you down. The meltdown of a Facebook friendship almost always occurs in a non-mutually agreed-upon way. Meaning, most of the time it’s only the decision of the person who unfriended and/or blocked you. No conversation needed. Just press the unfriend/block button, and bam! It’s over. Imagine how painful it is to have your right to ask for reason and explain your side removed. How bad is that, humans? According to psychologists, unfriending someone on Facebook is called “Facebook estrangement”. This only means that by unfriending you, the person has officially severed social ties with you. Again, how bad is that, humans?

I compiled some psychological explanations from counselors, psychologists, and researchers who studied about and dealt with the phenomena. Here are some points to consider when unfriended and/or blocked by someone:

Don’t wrestle with the unfriending. It could be more acceptable and even possible that you may be more upset about being unfriended/blocked than about losing a friend. If you’re thinking too much and more about the unfriending than about the friend, this could only mean that the person wasn’t really all that close to you. If this point already satisfied you, then stop reading. Your concern has already been addressed. The person is not that important to you. Yeah, you’re welcome.

Look objectively at your Real and Virtual (Facebook) behavior. It could be the reason why you were unfriended. Ask yourself. Do you continually make unfiltered comments that could hurt someone? Do you gossip? Do you put a person down? In a study conducted by Christopher Sabona from University of Colorado Denver, people often unfriend co-workers for their actions in the real world rather than anything they post on Facebook.

Not applicable? Maybe, this one is. Are you guilty of sharing too much information like you post every thing about you including the number of times that you inhale oxygen in a day? I can’t blame them if they will unfriend you. Seriously.

Take the effort to know the cause of sudden severing of ties and if still possible, try to repair it. Self-explanatory. Difficult, though, and this may only be applicable to people who are still worthy of another chance of conversation and maybe, friendship.

Don’t be blinded by false hopes to avoid disappointment. Let the sequel and aftermath, and of course, taking a break, have their process be finished. If it’s meant to be, the relationship will resume in its own perfect time.

Never ever stalk the person who unfriended you. If this person is worth the chance, but you were unable to repair the severed relationship, don’t allow yourself to be more distressed by becoming a stalker. You’ll see this person’s posts, check-ins, and everything and this might only You will only re-cut the scars.

I was unfriended/blocked for several times since I joined Facebook, and I also have done the same to others. They have their reason and so have I. But on social network, no one tells you that you’re unfriended, but instead the person just presses the button and it’s over. No one never has to tell you in person their reason. They don’t even need your consent to do it to you.

Keep in mind, though, that a mature individual can cope up with this kind of situation as long as he/she keeps track of his/her own thoughts, emotions, and behavior — whether it be in real or virtual life.

Maturity is about how you see and understand things. It’s about how you consider others. It’s about how you communicate. It’s about how you react. It’s about the things that you gove importance to. It’s about the things that you entertain. It’s about how you represent yourself and others. 

Take nothing personally and you’ll feel more liberated in that way. Remember that it’s not about you all the time.

You can get through this, mature person.

image from:

Posted in Uncategorized

Ma, Para Sa’yo

Ito ang unang mother’s day na hindi ko makakasama ang aking ina. Pero masaya.

Naalala ko pa noong iminulat ako ng mundo sa pagdiriwang ng araw ng mga dakilang nanay. Sa pamamagitan iyon ng isa sa aming mga tito. Hindi ko maalala kung saan siya galing pero Linggo ng hapon iyon nang tumuloy siya sa aming bahay. Tinanong niya kaming magkapatid, “Binati na ba ninyo ang mama ninyo?” Hindi ko naintindihan ang kanyang tanong. “Bakit kaya? Para saan?” Tanong ko sa sarili habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kapatid kong si Olan (Oliver) at kay mama na tanda kong nagtitiklop ng aming mga damit. Walong taong gulang lang yata ako noon at anim naman ang kapatid kong si Olan. Wala pa kaming sense of full grasp sa maraming bagay, kabilang na ang kaalaman na may isang mahalagang araw pa pala si mama bukod sa birthday niya.

Siguro’y naramdaman niyang hindi namin maintindihang magkapatid ang biglaang tanong, sinabi na lang niya na batiin namin si mama dahil mother’s day daw. “Happy mother’s day, Ma,” magkasunod naming sinabi ni Olan kay mama kasama ng tig-isang yakap at kiss na binalot ng mga tanong at hiya. Ngumiti lang siya. Baka kasi alam niyang hindi pa namin talaga naunawaan ang halaga ng araw na iyon. Pero doon nagsimula ng simpleng kasanayan sa tuwing sasapit ang araw ng mga ulirang ina na tulad niya. Isang simpleng kasanayan na paulit-ulit namin ginagawa kay mama hanggang sa lumalim ang pagkaka-unawa namin sa halaga ng araw niyang iyon.

Bati, yakap, kiss. Labingsiyam na taon na naming ginagawa iyon ni Olan para kay mama, at ngayon, nakakasama na rin ang aming bunsong kapatid na si Princess.

Labingsiyam na taon. At ni minsan, wala siyang hiniling na regalo sa amin. Well, ganun naman talaga siya. Kahit nga birthday niya, hindi siya masyadong umiimik. Parang siya pa ang nahihiyang humingi ng kahit anong simpleng bagay mula sa amin. Pero sa isa sa mga mother’s day ang nakapagpa-unawa sa akin ng kung ano talaga ang hiling at gusto ni mama na makuha mula sa amin. Isang mother’s day, kamuntik ko nang malimutan ang espesyal na araw niya. Nasa high school na ako noon at mas tutok kung hindi sa aralin, sa mga kaibigan. Halos pagabi na noong nabati, nayakap, at na-kiss ko siya. “Akala ko nakalimutan mo na,” pabulong na sambit niya habang nanggigilid ang luha.

Isa lang pala ang taon-taong hiling niya. Iyon ay ang hindi namin malimutan ang nakagawian sa mahalagang araw. Napakasimple. Hindi mahirap ibigay. Simula noon, sa tuwing mother’s day, ang unang ginagawa ko pagkagising sa umaga ay ang hanapin siya, pagkatapos ay batiin, yakapin at i-kiss. Hinding-hindi ko malilimutan na may nanay akong isinakripisyo ang maraming bagay para lang maging mabubuti at mauunlad na tao ang kanyang mga anak. Hinding-hindi ko malilimutan ang araw niya at alam kong masaya na siya doon. Swerte ko. Swerte namin.

Ito ang unang mother’s day na hindi ko makakasama ang aking ina at mabigyan ng simpleng bati, yakap, at kiss. Pero masaya dahil sa kabila ng sitwasyon, naniniwala ako na magiliw niyang iniisip na hindi ko siya nakalimutan sa araw niya. Alam na niyang may post ako sa Facebook at Instagram kahit wala siyang account ni isa sa mga iyon. Alam ko na maligaya siya para sa akin. 

Naniniwala ako na bukod sa panalangin niya gabi-gabi para sa aking kaligtasan bago siya magpahinga, palagi niya ring binabanggit sa sarili na proud siya. Proud siya sa kung anong narating ng mga anak niya. Proud siyang pinaniniwalaan na nagbunga ang sakripisyo dahil naging mabuti at maunlad ang anak niya.

Maligayang araw ng iyong kadakilaan bilang ina, Ma. Miss kita. Miss ko ang tawa mo sa mga biro ko at higit sa lahat, miss ko ang iba’t-ibang paraan mo ng pagpaparamdam ng tunay na pagmamahal sa amin. Mahal na mahal ka namin ni Olan at Princess.

Hanggang sa susunod na bati, yakap, at kiss. 😘

Posted in Psychology

Binabati Kita!

Marahil ay sobrang huli na ako sa gagawin kong ito dahil hinintay ko pa ang araw ng pagtatapos ng aking mga mag-aaral sa kung saan ako naglilingkod. Pero binabati ko ang bawat isa na matagumpay na nagtapos ngayong taon.

Hindi biro ang bawat araw na iyong ipinasok sa paaralan. Hindi nagkaroon ng mga araw na magkakaparehas. Lahat ay magkaka-iba. Lahat ay may nakatakdang pagsubok at kuwento na kailangan mong pagdaanan at lampasan hanggang masabi sa sarili na, “Handa na ako sa bagong bukas.”

May sandaling masayang-masaya, may sandali ring iiyak ka na lang. Pero ano pa man ang mga naramdaman at naging reaksyon, alam kong masasabi mong pinatibay ka ng mga iyon at inihanda sa mas malalaki at mas nakapupukaw na pagsubok na tiyak natin parehas na kakayanin mo ring lampasan. Gano’n kabilib sa’yo ang iyong mga guro, propesor, at mga taong nakasaksi ng iyong paglago (ikaw dapat lalo).

Binabati kita. Bagamat nagtapos ka, sabihin sa iyong sarili na hindi ito ang wakas. Sa halip ay patuloy na banggitin sa sarili hanggang sa yakapin ang katotohanan na ito ay simula ng bagong landas na tatahakin hawak ang mga natutunan sa pagkukulay ng magandang kinabukasan.

Ngayon, itong daang nasa larawan muna ang paghandaan mong lakaran at lampasan nang maabot ang regalong pinakama-iibigan ng magulang — ang iyong diploma.

Muli, binabati kita.

Posted in Philippine Politics

An Open Letter to Senator Tito Sotto

Mahal kong Tito Sen,

Kumusta po kayo? Namamanhid pa rin po ba?

Binulaga ako kanina ng balitang may nasabi na naman po kayong ang hirap hanapan ng linaw. Nakakainis naman eh. Tuwang-tuwa pa naman po ako noong isang araw dahil sa pinausad ninyong mga senador ang Mental Health bill. Tapos, ganito?

Mabalik po ako sa bumulagang balita tungkol sa inyo. Hindi pa rin po talaga kayo nadala eh, ‘no? Hindi ko na sasabihin kung ano ang sinabi ninyo. Kalat na po dito eh. Pero aaminin ko, napakamot po ako ng ulo doon. Matindi ka dun, Mr. Senator ha.

Ilang oras na ang nagdaan simula noong pumutok ang balitang ‘yan. Ilang oras na rin ang dumaan dahil sa pagbabasa ko ng mga artikulo tungkol sa nangyari na ‘yan. Hindi ko pa rin po lubos maisip kung pinag-aralan po ba ninyo nang mabuti ang mga binitawan ninyo.

Pabiro man o hindi, pero sige na nga, ibibigay ko po ang hiling ninyo. Sabihin na nating biro lang talaga iyon. May problema po ako dun eh. Actually, malaki. Hindi mo ‘ko napa-“acheche” dun eh. Seryoso.

Wala naman po sigurong masama kung magsiyasat ang komite ninyo tungkol sa personal na buhay ng isang tao lalo na’t nagsisilbi ito sa gobyerno at nag-a-apply sa bayan. Kayo, bilang interviewer at kinatawan namin, ay nabigyan ng pribilehiyo na maging maingat sa pagpili ng maglilingkod. Sinasang-ayunan ko ‘yan. Sabi nga po ng ilan sa inyo, “A public servant’s life should be an open book to his people.”

Pero Tito Sen naman. Para biruin ang isang babaeng naghanda upang sumagot sa mga tanong ng may dunong at dangal na walang ibang nais kundi ang maipagpatuloy ang nasimulan na programa ng sangay niya, nakakabastos naman po yata. Uulitin ko. Sobrang nakakabastos.

Yung pag-plagiarize mo nga, napalampas na po ng ilan sa amin eh. Tapos, ito na naman. Ganyan po ba talaga ang graduate ng Wanbol University?

Eh kung ‘yong anak po kaya ninyo na marangal at nagsisikap na nagtatrabaho para buhayin nang maayos ang apo ninyo ang sabihan na “na-ano” tapos biglang kakambiyo ng, “Joke lang ‘yon ha. Apir tayo. Suportado kita.” Baka kung ano po ang magawa mo. May history ka pa naman po.

Ang tanong ko ay ito lang naman talaga — hanggang dito na lang po ba tayo, Tito Sen? Ganitong uri ng diskurso na lang po ba talaga ang kaya nating ipakita? Ang babaw. Ang bastos. Ang sama. At take note, bago ko makalimutan, sa isang hearing sa senado ninyo pa sinabi ito. Hindi sa pelikula, lalong hindi sa Bulagaan. Sinabi po ninyo ito sa harap ng mahigit pa sa isang libo’t isang sumubaybay sa loob at labas ng venue. Walang tuwa. Walang nakakatuwa.

Hindi ako galing sa uri ng pamilya na tulad ng sa hiniya po ninyo, pero may malaking numero akong kilala at karamihan sa kanila ay kaibigan pa. Masarap silang pakinggan. Masarap makinig sa kwento nila. Makinig ka rin minsan, Tito Sen. Hindi puro patawa lang. Marami kang matututunan sa kanila. Isama mo na rin po sa maiging makinig ‘yong mga napanood kong tumawa sa joke mo.

Hindi mo naman mapapansin ito dahil mukhang hindi naman makakarating ‘to sa’yo. Pero susubok pa rin ako. May pahuling salita lang po akong gustong iwan dito.

Nakakahiya kami. Oo, Kami. ‘Wag ka na, kasi matagal ka na po dapat nabigyan ng ganoong pang-uri eh. Kami talaga ang nakakahiya dito — kaming nagluklok sa’yo bilang isang mambabatas. Wag mo naman kaming hiyain. Magpakitang-gilas ka naman po.

PS

Nirerespeto ko po kayo. Pansin niyo naman sa pangongopo ko, hindi ba? Inihalal ka namin eh. Pero Tito Sen, ayusin mo naman. Aanuhin po kita diyan eh.

Lubos na gumagalang,

Martin Kit J. Guzman

Mamamayan, Botante, at Kaibigan ng ilang single moms

Posted in Psychology

Standing My Ground

I’ve been bullied for several times before and I will never allow it to happen to me again.

I will never forget the day my pained and disappointed father sat down with me and gave me “The Talk”, and told me things that he felt I needed to hear and would eventually impact me. It happened after I went home frowning because of an incident where I got beaten up by a classmate.

I embraced his words from then on and everytime a bully would try to do something against me, I just stood up my ground, looked them in the eye, and made them feel that I will never back down. Sometimes, I would get away from the bullying and get home safe. Sometimes, I would go home with wounds and dirty destroyed clothes and those were the moments where my father would just tap and remind me of his talk.

He wouldn’t tolerate me from being violent, but he would tell me that he is proud whenever his son doesn’t hold back. And if there’s a value that he wanted to inculcate, it’s fighting for one’s right to speak up and do whatever it takes to defend his space from anybody who would try to ruin it.

It’s funny because I got my Master’s Degree in Counseling with a thesis about bullying. Or maybe, it was destiny. I just can’t let others use their strength and influence only to intimidate others.


I have been telling myself that when I have a chance to sit down and do “The Talk” with my future children, I will tell them the exact things that my father told me. But since I have yet to experience fatherhood, I choose to do this with my people — the ones that I have influence to, especially my students, and orhers who are within my bounds. I tell them the same exact words that Pop said.

“Stand your ground. Don’t let others hurt you. Defend your space. Fight for your right to live peacefully.”

I’ve been bullied for several times before and I will never allow it to happen to me, to my children, and to my people again.

Posted in Psychology, Series

This Inspiring “This Is Us”

I don’t know if it’s strange, but when I began to whole-heartedly embrace my career, all I wanted to happen in life is to become a wise old man someday. 

This is why I easily loved Dr. K’s character in This Is Us. He says the right words every time they are needed.

Wanna cry? Wanna laugh? Watch this beautiful series.

Wanna find your life’s meaning through something? Binge-watch this one of the greatest things that ever happened in TV history. And you wouldn’t mind if this becomes a result of staying at home for the whole weekend like what we just experienced. 

“I like to think that one day you’ll be an old man like me talkin’ a young man’s ear off explainin’ to him how you took the sourest lemon that life has to offer and turned it into something resembling lemonade.”

-Dr. K

Posted in Psychology, Series

It’s Hard

Saw an episode of this intriguing series because the Love was binge-watching it. I want to share my take on this show, but it will be in a separate post. 

Anyway, I feel for Mr. Porter, the school counselor, and his struggle. It’s hard to not know a serious problem that one of the students is having when every person counts on you and looks up to you since you are the helper and empowerer of the institution, but it’s as difficult as knowing everything and trying your best to act on it professionally and humanely, even if your job and license are both on the line.
Jay Asher, the writer of 13 Reasons Why, said it best. “You don’t know what goes on in anyone’s life but your own. And when you mess with one part of a person’s life, you’re not messing with just that part. Unfortunately, you can’t be that precise and selective. When you mess with one part of a person’s life, you’re messing with their entire life. Everything affects everything.”